Gaya ng ating binabanggit tuwina ay ipinapagpapasalamat namin sa Panginoon na makabahagi ang aming grupo sa isang espesyal na event na ito, na aming makasama at mapaglingkuran ang mga mumunting anghel.
Maraming salamat sir Mark Padil at Mam April Padil ng Autism Response PH sa pagtitiwala. Isang malaking karangalan para sa amin na maimbitahan ang aming grupo sa taunang event na ito para bigyang halaga at pagmamahal ang mga PWA o person with autism. Napakalaking ambag para sa amin para kami ay makagawa ng mabuti sa tuwina. Ang Kabalikat Civicom partikular ang aming chapter ay lubos na nakikiisa sa pagpapahalaga sa ating mga kababayang may espesyal na pangangailangan at patuloy na susuporta sa mga ganitong gawain.
Salamat sa ating mga kasama sa chapter na palaging nariyan para sumuporta at ibigay ang kanilang oras, Maraming salamat po sa lahat ng regular at probitionary members at sa pamunuan ng Kabalikat Civicom National at NCR council na parating nariyan na nakasuporta sa amin.
Salamat po mga sir at mam, brothers and sisters!😊
No comments:
Post a Comment